Ang Talinghaga sa ‘Paglago ng Butil’ ay matatagpuan lamang sa Mabuting Balita ni Markos (4.26-34)
Ipinapakita sa atin kung paanong nagkabunga ang salita ng Diyos
1. Hindi sinabi sa talinghaga na ating binasa na ang ‘butil’ ay ang salita ng Diyos. Subalit sa naunang talinghaga na binanggit sa ika-apat na kapitulo tungkol sa ‘talinghaga ng Maghahasik’ ipinaliwanag na ang ‘butil’ ay ang salita ng Diyos. (Mk4.14; Lk 8.11)
2. Ang pagtubo o pagyabong sa pamamagitan ng Salita:
1) ay isang misteryo:
a. Ang maghahasik ay may kakayahang magtanim ng butyl, makita niya na ito ay tumubo at lumago
b. Subalit ang paglago ay hindi sakop ng pang-unawa ng maghahasik, sa kadahilanang hindi niya maipaliwanag ang paglago ng butil.
2) ay unti-unti, dahan-dahan, may sistema
a. Ang paglago ay hindi nangyari ng biglaan
b. Subalit ito ay nangyari ng may pamamaraan: tumubo muna, lumago at nagkabunga.
3. Magkagayon man, sa pamamagitan ng paglago ng itinanim na butil nagkaroon ng aanihin. Ang paghahari ng Diyos ay nakapaloob sa paghahasik, pagsibol o pagtubo, paglago at pag-ani.
4. Dito sa talinghaga ng ‘Butil’ idinidiin ang nakapaloob na Kapangyarihan sa Salita ng Diyos.
a. Ang may mabuti at ginintuang puso ay hindi makapamumunga sa ganang kanyang sarili
b. Kinakailangan ang isang butil na may kakayahan sa kanyang sarili na magbunga at umusbong sa matabang lupa.
c. At ididiin din dito ang pangangailangan ng sinumang naghahasik na 1) magtiwala at 2) umasa sa kakayahan o kapangyarihan ng ‘butil’ – ang Salita ng Diyos.
5. Paano natin maisasabuhay ang talinghaga na ito?
1) Ang Salita ng Diyos ay may kakayahang
a. tayo’y palaguin
b. tayo’y iligtas, sapagkat ang Salita ng Diyos ay makapangyarihan; ang Salita ng Diyos ay buhay.
2) Subalit kinakailangan din ang ating ‘pakikipag-ugnayan,’ ‘pakikisama,’ ‘pakikipagtipan.’
a. kung gusto natin na ang buhay natin ay paghariaan ng Diyos, kailangan natin siyang tanggapin sa ating buhay. Tanggapin ng tama at mahusay, at hindi parang napipilitan lamang. Sa pagtanggap natin ng Salita ng Diyos kalakip nito ang tungkuling makiisa, sumunod, at magpasakop.
b. ngunit hindi lamang dapat tumanggap subalit pagkatapos natin itong tanggapin, tayo naman ay inaatasan na maghasik din, magbahagi, magtanim. Dahil sa Kaharian ng Diyos tayo ay kaisa niya sa paghahasik.
Magtiwala tayo at Umasa sa Diyos.

No comments:
Post a Comment