Tuesday, June 12, 2012

Day 166: 'This is my Body'

Feast of the Corpus Christi
June 10, 2012

1.      Historical Facts
1)      The observance of Corpus Christi as a feast of the Church has its earliest beginnings in 448 AD and was officially proclaimed a feast of the Church by Pope Urban IV in 1264. The Catholic world has been observing this feast ever since.
2)      Originally celebrated on Thursday after Trinity Sunday to commemorate the Holy Thursday’s Last Supper of Jesus Christ with his disciples. Then later in English speaking countries the feast was celebrated the Sunday after the Trinity Sunday.

2.      Theological Facts
1)      Jesus Christ is the Savior of humanity
2)      The word became flesh and dwelt among us. He is truly God and truly man. He became like us in everything except to sin.
3)      We revered his Body, so much so that Catholics put aside a day to focus all their attention on worshipping Christ in his Sacred Body.

3.      Spiritual Facts
1)      The medicine of Immortality (St Ignatius of Antioch)
2)      "...In this world I cannot see the Most High Son of God with my own eyes, except for His Most Holy Body and Blood." (St Francis of Assisi) 
3)      The greatest of all Sacraments (St Thomas Aquinas)
4)      God dwells in our midst, in the Blessed Sacrament of the altar." (St Maximilian Kolbe) 
5)      "It would be easier for the world to survive without the sun than to do so without the Holy Mass." (St Padre Pio)
6)       “The Mass is the spiritual food that sustains me without which I could not get through one single day or hour in my life” (Blessed Mother Teresa)
7)      "Gathering, Walking and Kneeling– we gather around the altar of the Lord, we walk with the Lord and we kneel before the Lord in adoration (Pope Benedict XVI)

4.      What do we gain by processing the sacrament into the world and of adoring the presence of Jesus Christ in His Body?  Primarily, we are making a public statement of the following understandings: 
  1)      We REMEMBER the greatest act of sacrifice; the greatest offering – ‘This is my Body, This is my Blood (new covenant) – Jesus Christ is our Savior and Lord.  
   2)      We CELEBRATE in thanksgiving for the victory, immeasurable goodness, for God’s continuous presence in our midst – that Jesus Christ is present, Body and Blood, Soul and Divinity in the consecrated elements of Holy Communion.   
  3)      We BELIEVE in the promise of eternal life; in the eternal communion with Him.


Pinaka masarap na kain (tanghalian)
May isang mag-asawa na nagbahagi ng kanilang nakaraan. Nagbalik tanaw sila sa panahon na kapapanganak pa lamang  ng ilang buwan ni Misis sa kanilang anak na babae. Sa kadahilanang ito si Mister lamang ang naghahanap-buhay. Bukod sa pag-aalaga sa kanilang sanggol, si Misis din ang nag-aasikaso sa paghahanda ng kanilang kakainin at sa ibang gawaing bahay. Isang araw katulad ng nakagawian, nagsaing si Misis upang sa hapag-kainan sila’y magkasalo ni Mister na kagagaling sa paghahanap-buhay. Sa oras ng pagkain nila, punung-puno ng awa at hapis si Misis sapagkat dahil sa kawalan, ang kaniya lamang naihandang ulam ay kamatis. Sa isang nagpapa-suso na ina, at sa isang araw-araw naghahanap-buhay na ama, ang sapat na pagkain ang higit na mahalaga at kailangan. Subalit dahil isa lamang sa kanila ang naghahanap-buhay at wala silang sapat na naipon natagpuan nila ang isa’t-isa na puno ng luha ang mga mata at awing-awa sa kanilang sarili.

Magkaganunpaman pinalakas nila ang kanilang sarili at naniwala na sa kanilang pagtutulungan at pagsusumikap, makakaraos din sila sa ganuong klaseng kahirapan. Hindi nagtagal, lumaki ang bata at nagkaroon na muli ng pagkakataon na makapag hanap-buhay si Misis, at si Mister naman ay nagkaroon na rin ng mahusay na hanap-buhay, unti-unti silang nakaahon at nagkaroon ng magandang buhay, hindi-man angat na angat subalit sa kanilang hapag-kainan, ang kamatis ay hindi na ulam, subalit ito’y isang sahog sa kanilang ulam. Idinagdag pa ni Mister bilang pahabol, na may kasamang patis ang kamatis na ulam nila nuong sila’y walang sapat na makain. Ngunit sa ibinahagi nilang kwento ng buhay, ang higit na nakapagdulot sa akin ng malaking aral ay ang mga kataga ni Mister na, “Para sa akin, iyon ang pinaka masarap kong tanghalian.” 

1.      Dahil ito ang naging inspirasyon nilang mag-asawa na magsumikap at magtulungan upang asamin ang kaginhawahan at tagumpay ng buhay.
2.      Dahil ito ang naging palatandaan nila ng pag-asa, pagkakaisa, kalakasan at pag-ibig.
Ilan sa atin ang may ganitong karanasan o nakaraan? Ilan sa atin ang may ganitong pananaw sa buhay?

Sa hapag kainan nangyari ang pag-aalay at sa hapag-kainan din tayo patuloy na ina-anyayahang kumuha ng lakas, inspirasyon, tiwala at katagumpayan. Dahil ang nag-alay ay ang Diyos ng ating buhay at Diyos ng lahat ng ating ikinabubuhay.

Sa Banal na Misa patuloy na nag-aalay ang ating Panginoon ng Kanyang sarili; sa Banal na Misa patuloy Siyang iniaalay bilang pinaka mabangong Handog sa Diyos; sa Banal na Misa patuloy tayong nakikipagkaisa sa dakilang gawa at handog ng Diyos sa atin. “Sa pamamagitan Niya, at sa kasama Niya, at sa Kanya; O, Diyos Amang makapangyarihan, sa pakikipagkaisa ng Espiritu Santo; and lahat ng parangal at papuri at sa Iyo, magpasawalang-hanggan.”

No comments: