'copied and pasted without permission...:)' |
Kagabi ay nanggaling ako sa isang masarap at masayang kainan. Ang kainan na ito ay tinaguriang “Reno party” dahil sa wika ng maybahay, lahat ng niluto niya ay may kasamang ‘reno spread:’ ‘sotanghon with reno’, ‘risso con reno’ at ang pambato na, ‘ginataan na may reno.’ Siguro, gulat kayong lahat ano? Ano ang lasa ng mga ‘yun? Totoo ba ‘to? Ang sagot, hinde! Maliban na lamang kung ang maybahay ay ang nanay nina Crispin at Basilio, pwedeng mangyari iyon. Sa kabilang dako, naging masaya ang kainan dahil bukod sa masarap na mga pagkain ay nagkasama-sama ulit ang karamihan at nagka-kamustahan. Mas lalo akong humahanga sa kanila sa tuwing sila’y magsasalaysay ng kani-kanilang kwento ng buhay. Maraming mga mabubuting aral at kahanga-hangang halimbawa ang maririnig at matututunan mo sa kanila. Kailangan lang talaga ng pakikisama: paglalaan ng oras at pakikipag kapwa-tao. Sa isang relihiyoso na katulad ko, pagbubukas kaalaman ang hatid nito sa akin, na makita ang isang dako ng buhay, na sa karamihan sa amin ang ganitong uri ng buhay ay malimit na nababatid lamang sa mga kwento, pelikula o kathang-isip. Maaring hindi nila batid, subalit ang mga kwento ng buhay nila o silang mga tinaguriang ‘bagong bayani’ ay mga tunay na inspirasyon upang lalo kaming magsumikap sa aming ginagawa na mas maging matapat at bukas sa aming paglilingkod.
Sandali, parang masyado yatang naging makabagbag damdamin ang tono ko, hindi kaya dahil sa ‘reno’? Mabuhay kayo!
No comments:
Post a Comment