Thursday, July 14, 2011

Kulang sa Pansin

(For Tagalog Speaking Only/ Para lamang ito sa mga naka-uunawa ng salitang Tagalog)

May mga tao talaga na sadyang “ipinanganak” na “kulang sa pansin”. Ang ibig sabihin ng ‘ipinanganak’ ay sa murang edad ng bata at sa mga baitang ng kanyang paglaki ang pagiging ‘kulang sa pansin’ ay umusbong sa kanyang katauhan. Ito ay bunga ng iba’t-ibang pangyayari katulad ng pagkasira ng anyo, masalimuot na sambahayan, baluktot na alituntunin at iba pa. Ang mga taong ‘kulang sa pansin’ ay napapalooban ng mga ugaling:

c/o Jhay Aquino
  1. Walang bilib sa sarili
  2. Mayabang
  3. Mapanira
  4. Balintulot sa kakayahan ng ibang tao
  5. Ambang panganib, kapunyagi o kalaban ang palagay sa kapwa, kakilala man o kaibigan.
  6. Hindi palalamang sa nakuhang karangalan, maging sa simpleng pakikipag talamitam
  7. Nalulungkot at naiinis sa tagumpay at kakayahan ng kanyang kapatid
  8. atbp.
Sinu ba sa atin ang hindi kulang sa pansin o dumanas ng pagiging kulang sa pansin? Lahat naman tayo. Ang pag-amin sa sariling kahinaan ay kaakibat ng katapangan at katapatan. Marahil ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay sa sandaling makita natin ang ating sarili sa ganitong kalagayan ay saliksikin ang mga pamamaraan kung paano ito mabago at mapagtagumpayan. Sa kadahilanang ang ugaling ito ay puwing sa mata ng kapwa tao at hadlang sa paglawak ng sariling katauhan, ang pagtanggap at pagbabago ay hindi na magiging daing sa atin. Ang dalawang katanungan:

  1. Batid ba natin na kulang tayo sa pansin? O marahil tayo ang mga taong may mata, ngunit hindi makakita, may tainga ngunit hindi makarinig?
  2. Nakalaan ba tayo na maghandog ng sarili at maging mas mabuting tao?

Psssst!

No comments: